Sariwa pa sa aking ala-ala
Ang ating unang pagkikita
Tinanong mo ang aking pangalan
At simula noon, tayo’y naging magkaibigan.
Hindi nagtagal ako’y tinanong mo
“O, binibini maaari ba akong manligaw sa’yo?”
“Paumanhin ngunit pag-aaral muna ang uunahin ko.”
Yan ang naging tugon ko.
Lumipas ang mga linggo at buwan
Masigasig ka pa rin sa iyong panliligaw
Kaya di naglaon ay nasabi ko sa’yo
“O ginoo, ako’y nahuhulog sa’yo.”
Nobyembre noon ng maging tayo
Napuno ng galak ang aking puso
Sapagkat di ako makapaniwala na ang isang katulad mo
Ay mamahalin ako ng ganito.
Salamat Mahal ko
At dumating ka sa buhay ko
Ikaw ang inspirasyon ko
Sa lahat ng ginagawa ko.
Kaya naman ngayong araw na ito
Ika-dalawampung buwan ng ating pagkakakilala
Ang tanging maipapangako ko lang sa’yo
IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO
HANGGANG SA DULO NG MUNDO. 💖
😘
Originally posted in FB
(May 4, 2017)
Sweet! Interesting..nakakakilig, love beautifully expressed.
LikeLiked by 1 person
Thank you Albert 🙂
LikeLiked by 1 person