Paalam sa Nakaraan

Masasayang ala-ala’y kay sarap balikan

Mga panahong di malilimutan

Walang humpay na tawanan

Nag-uumapaw na kaligayahan.

Subalit ang lahat ay nagbago

Ika’y lumisa’t ako’y iniwan mo

Masakit pala ang iwanan kang bigo

Ng taong minamahal mo.

Di mo lang alam  ako’y labis mong nasaktan

Ako’y iyong nilisa’t wala man lang paalam

Kung ano ang dahilan ay di ko rin alam

Marahil hindi nga ikaw ang aking kapalaran.

Ngayon alam ko na

Kung paano mabuhay ng wala ka

Masasakit na kahapo’y limot ko na

Maging ang pag-iibigan nating  dalawa.

Kay rami nang nag-bago

Buhat ng ako’y iniwan mo

Mga pangakong minsan nating binuo

O bakit nga ba bigla na lang nag-laho ?

Mananatili ka na lang ngayong isang ala-ala

Kung saan tayong dalawa ay kapwa  masaya

Sa kahapong lumipas na

At kailanma’y di na maibabalik pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s